Sunday, June 19, 2011

The Result

After nong nangyari sa husband ko, hindi ko hinayaan na hindi sya papacheck up, as in general check up talaga. So nagstart kami sa Blood and urine nya. Okay naman ang blood test pero ang urine nya may nakitang red blood cells at medyo mataas daw so nagsuggest ang doctor ng kidney ultrasound. Since natakot din ako kung ok ba ang heart at bp nya pinagawa ko din ang test and both test are good. So hindi dahil high blood o may sakit sya sa puso kaya nangyari yon.

Nakasched na yong kidney ultrasound nya at sobrang kinabahan talaga ako. I pray to God na maging maayos ang result ng test. So nong nagpunta na kami sa hospital for his test ang daming pinainom sa kanyang tubig. Wala namang nakitang stones ang doctor at maayos naman daw ang kidney so pwedeng nagkaroon ng rbc ang urine kasi baka nagpass out sya ng stone. Naalala ng husband ko na nong galing kaming hospital nong gabing nawalan sya ng malay, tapos umihi sya may masakit daw na parang lumalabas so feeling nya yon ang stone.

I am relief... at least alam ko na normal lahat ang vital signs nya and major organs. I am very thankful to God.

No comments: